Wednesday, November 3

Tuesday - Pambungad sa Nobyembre

Yesterday I spent almost the whole day at the cemetery. With Lola gone, mom and Tita Febs have become more religious about visiting.

Lola took care of me the whole time mom, pops, and my two sibs lived in Germany. I remember the day she died, how the whole afternoon seemed like a blur. She died a week after Lolo Romy (Papa's dad).
Lola Pacing
Paty made some letter-shaped L O L A cookies
Russell
Alliston
Marcela, Gabie, Allison
 

Gabie
Sleeping with Lola


Nagkita din kami ni James nung hapon na. Wala ng pag-aalinlangan ngayon. Either naloloka nanaman ako o talagang seryosohang pagpaplano na 'to sa buhay. Kung nung Setyembre siguro ako tatanungin hindi maisasama sa listahan ng priorities ko ang ibang tao. Pero eto nanaman, kung ba't adik na adik ako sa mga biglaang commitments, as if wala akong say sa mga nangyayari. Kahit na sabihin ko sa sarili ko at isulat ko sa mga pader ng kwarto ko na O, DAHAN-DAHAN lang, Stick to plans, anak ng tinapa please manatili kang single e wala pa rin talaga.

Siguro umasa ako na kung buong araw ako lalagi sa sementeryo kasama ni Lola maliliwanagan ako. Maliliwanagan = aatras sa buhay-in a relationship, at magpapakafrigid btch muna. Habang nakahiga sa puntod ni Lola sa lilim ng tulda, pakiramdam ko safe ako. Siguro kasi nasa lugar ako ng mga patay. Payapa. Kung ano man ang prinoproblema ko, prinoblema na nilang lahat nung buhay pa sila.

Bukas simula nanaman ng panibagong semester. Okay pa naman ako. Okay din ang nakuha kong schedule. Nangako na din naman ako kay Mama na hinding-hindi na ako aabsent ngayon kaya palagay ko wala ng magiging problema. Hmm. Baby steps.

Pictures are in mono because I feel safe in not dealing with colors. Sana ganun lang din kadali magdesisyon sa buhay. Pwedeng mang-edit. Pero yang ganyang pag-iisip, minsan-minsan lang dapat. Alam na natin yun mga tsong.

No comments:

Post a Comment