Sunday, November 7
Saturday
LSS today: Feather by Little Dragon
Ang saya-saya pag kasama ko si James. Nung Wednesday, unang araw ng klase, magla-lunch sana kami kasama si Bless at Phoebe pero dahil ayaw niya ang amoy sa Kubo, umalis na lang kami. Sabi ni Phoebe hindi pansin na nag-aaway na pala kami nun. Onga naman. Hindi talaga pansin na nag-aaway kami, e kasi naman, mawawalan ka ng ganang makipag-away pag si James ang aawayin mo. Imposibleng makipag-away sa taong alam na ang schedule ng mood swings mo. Or baka feeling ko lang na alam na niya. Or baka kaya lang niya talaga ako.
Nakakatuwa kasi gusto siya ng mga kapatid ko. Dati laging may issue - masyadong tahimik, hindi marunong makihalubilo, hindi marunong gumalang etc etc. Kay James wala akong problema, nakakausap niya si Paty at si Lorraine tungkol sa kahit ano, kalmado lagi, at walang halong pretentions. I feel so lucky. :)
Ngayon ang ginagawa ko pag namimiss ko siya nagpapatugtog ako ng reggae songs, na di ko naman pinapakinggan gaano noon.
Ang light ng feeling pag kasama ko siya. Ngayong semester siguro mapapatambay ako nang madalas sa library pero siguro mahihila ko naman siya dun. :) At mas okay yun, kesa yung lagi kaming kumain kumain kumain kasi ang taba-taba ko na, at lagi niyang tinatapik ang waist ko sabay sabi in a malambing way but very soft voice, "Faaaats." Halata na din kasi sa mga braso ko, na pangalawang lumalaki sunod sa tummy area. Ganunpaman, natutuwa ako sakanya kasi ngingiti lang siya, at pag ganun ayoko ng maasar. Hindi ko kayang maasar! Haha! Nakakamiss. Di bale isang araw lang naman tapos Lunes na uli, magkasama na uli kami. Bukas magbabasa na ako ng Accounting at Microeconomics, at gagawa ng homework. Sakto ang schedule. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment