Monday, January 10

weekend blues

Di ko alam kung bakit basta gusto kong magsulat, tungkol nanaman sa lovelife ko. Nakalimutan ko na din kelan ang huli kong kain. Ay de, nung Sabado ng gabi pala. Iniwasan ko din kumain kahapon kasi sa sama ng loob ko, baka maisuka ko pa ang nakain ko. Naranasan niyo na ba yun? Yung sa sobrang sama ng loob di ka makakain kasi nasusuka ka lagi? Sa tindi ng sama ng loob? Gusto ko lang ng kausap. Ang mga kaibigan ko, alam kong binabasa nila to. So kung kakaiba ako lately, alam niyo na, di nako magpapaliwanag nang isa-isa.

Pakiramdam ko lang kasi, ang tanga ko pagdating sa mga desisyon para sa sarili ko. Tulad nanaman neto, umalis nga ako sa relasyon, problema ko pa rin, love life. Ganyan talaga pag inlab, ganyan pag nagmamahal. Halos ganyan lang ang mga pinayo sakin. E syempre, ano pa ba ieexpect ko, totoo naman. So wala pa rin talagang solusyon ang problema ko.

Ang problema ko naman kasi talaga, ako. Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari. De, alam ko ang gusto kong mangyari, but I don't have the guts to go for it! I can do it! Bleeeh. E di naintindihan niyo na. Ang gulo ko. Pinapakomplikado ko pa ang dapat hindi pinaguusapan.

This just in, mataas ang grade ko sa major subject ko na di nagpapatulog sakin ngayong sem na 'to, kakacheck ko sa site ng school. Medyo sumaya na din ako. Lately, surprisingly, ang dali ko ng matuwa. Hoorrrreyyyyy! V. good.


Medyo ayos na din ang pakiramdam ko. Might eat breakfast later.

Kasama sa new year's resolution list ko ang pagtutok sa pag-aaral at pagtitipid. (NANAMAN, HAHAHA) So far nasa tamang daan pa naman ako. Tuwang-tuwa din si Mama, I can tell, kasi nagpapaalam na ako lagi tuwing lalabas, at umuuwi ako lagi sa bahay kahit na 3am pa yan. Parang tumatanda nga ako ng paurong.

Gusto ko ng magpunta dagat uli. O kahit saan na malayo-layo sa bahay kung san pwedeng humiga at tumingala lang sa langit nang walang maraming tao sa paligid.

2 comments:

  1. hindi naman problema ang love..dapat wag mo iniisip yun,know your priorities first before love,we are in the age na may responsibilities na tayo at kelangan natin mag-aral for our future,we are not teenagers anymore.

    Its better to be happy everyday thinking of the good things and kung gusto mo mgwind-up sama mo ako. hahaha

    new years resolution ko...panindigan ang sinabi ko. hahaha..mahirap man pero gagawin ko...

    ReplyDelete
  2. ako nga ang problema e, haha!

    kasama rin sa resolution list ko to be happier. panindigan na lang nating lahat ang mga sinasabi natin. :)

    ReplyDelete