Saturday, February 26

ano'ng nagpapasaya sayo?

lorraine and prom

ang malambing na pusang gala na laging sumusugod sa pintuan ng apartment tuwing may lalabas
paty's new hobby

drawing on my paper hand

my name :)

boy. may project ako sa microeconomics na hindi pa nasisimulan maencode. tatlong araw na bakasyon dahil sa anibersaryo ng edsa at float parade ng panagbenga. i took the day off to rest. tomorrow's a different story, uupuan ko ang paper na to. i hate economics. i hate filipino, at wala pa rin akong talumpating napipili para sa final requirement namin. my printer's not working. my phone's not working. walang gatas sa kusina. i'd love to see your fingers wrapped in mine. right now. para lang matuwa naman ako na kahit isa sa mga gusto kong mangyari, matupad.

Friday, February 25

sleepless with raffy and jyx

raffy was waiting and smoking by the main gate of our school when i met him. it was 19.30andsomething. we went to ionic. ionic. i haven't been there for years!
 i love talking to raffy. ilang taon na din kami hindi nagkasama o nagkausap, but he gets me. and there's coffee, and dim lights. so. :) and he talks a lot! grabe. he hasn't changed a bit. naaalala ko nung Philo class namin nung freshie pa kami, mas naririnig ko pa yata ang boses niya kesa sa instructor namin. haha.

while waiting for jyx, raffy's girlfriend, pumunta kami sa melvin jones
what? a deconstructed coffee cup
at sa burnham.
  bale kung san may kape, andun kami. hahaha. nung dumating na sya, nagpunta kami volante.

Jyx!
session road

and brent
and zola
 6.30am na ako nakauwi! i had so much fun. raffy and jyx make me believe in love. it's beautiful to see two people so perfect for each other. :)

Thursday, February 17

Pamela Tait

Click through to redirect to her website

Wednesday, February 16

anna spock

kazumi is ok now am so happy! they got it done in one day for P3,500 at bart's along session road. it was the first time in three years that it ever had a problem (aside from the flash that is no longer working) and now it's back to normal. buti na lang because it's february and here in baguio that only means PANAGBENGA! lots of events, weekends booked. :)

Monday, February 14

oh crap, it's valentines day again



i can't sleep. and again, i don't know why. it's funny because had it been another of those valentines days, up until now, after greeting boyfriend at midnight, gising pa rin sana ako at online at chatting. but, 1)i'm single, 2) am not online, 3) i have no business here and i should be sleeping coz my class starts at 8:30 and lately i've been having trouble waking up at the alarm clock.

hmm. being single is great. i have my weekends for myself. i don't have to use my cellphone. i can wear my hair any way i want. walang sakit sa ulo on mean days. hahaha.

random quote from the movie i watched this morning:
you never see the hard days in a photo album... but those are the ones that get you from one happy snapshot to the next. - just married, starring ashton kutcher and brittany murphy


i'm finally sleepy. this is great. all i need to do is get on blogspot and start a crap entry and i get tired. hahaha. g'night.

Saturday, February 12

so blog,

alam kong di kita ina-update at di rin makabuluhan ang mga pinopost ko. ang totoo nyan, di ko na rin sinusulatan ang diary ko. ang dami lang kasing nangyayari sa buhay ko ngayon, at sa konting oras sa pagitan ng pagdating ko sa bahay at paghilata ko sa kama hindi ko na nasisingit ang pagdodokumento sa mga naganap sa akin sa isang buong araw. ngayon lang uli, kakauwi ko galing sa poetry reading sa mt cloud bookstore at pagtambay sa clockwork lounge ng tig-tatlong oras.

photo from their facebook page@ Mt Cloud Bookshop, check'em out homies

i had an ok night. no, i had a great night.

i wouldn't admit this to just anybody, pero noon takot akong makisalamuha sa tao. takot akong may masabi sila sakin, may magawa akong masama. pero di ba lahat naman ganun? naiiba lang ang degree kada-tao. but so much has changed. so much so, na minsan napapatigil na lang ako to think, buhay ko pa ba to? or am i living the projection of someone else's life? like when i sit in a bar to watch people. dim lights, chattering. people who need people to make their friday nights count. whenever i watch people in a bar, sumasagi sa isip ko na, andito din ba sila para manood ng ibang tao? there's got to be someone who does that. maliban sakin. tapos maiisip ko, marami. oo naman, marami. tapos yun na yun.

beer. ilang buhay din ang nagkakabuhol-buhol dahil sa beer. not to put stress on the importance of beer in building social relations, kahit ano naman, knitting, soccer, bulalo, pagda-drive, nail polish. i'm blabbering alright.

i came home thinking, i'm gonna update my blog, make some sense out of it. anyway. nothing.

i just love my life right now. i got over someone i thought i loved so much only to realize that i was being stupid on purpose by letting him enslave me. makiki-ride-on ako sa mga pakulo niya, tipong mga laro na 'love is ganito, ganyan, it doesn't need to be established with words' bla bla bla. hello? pag di ka mahal, di ka mahal, wag mo ng paasahin sarili mo. (valentines meme i'm so bitter bla bla bla) in short, nagpauto ako. haha. nakakatawa na lang ngayon just to think how immature i am about relationships.

the truth is, i really want to graduate from college. di lang bagay ang pinili kong lifestyle sa ugali ko and attitude towards studying. again children, listen to your momma. what momma preaches, nasa bibliya yan ng kalawakan. grabe, 20 years on earth and i choose to listen to my mom only now. haha. sooooo.. aral na lang, tama na lovelife.

**i think you've noticed. i'm a blabber.**

today mom and i had my cam looked at. motor daw ang problema, and 3,500 ang paayos. di ko alam kung overpricing yun pero sabi ko ok na yun kesa magpunta pa manila. i'm just so excited na maaayos na siya at na di ko na kailangan bumili pa ng bago. which is why i really feel like i had a great day. :) cleaning my room tomorrow. :)

Monday, February 7

Error. Press shutter release button again.

Calligraphy lesson @ Abong, Legarda

yan na ang huling nakunan ni kazumi (ang nikon d60 ko) bago magbaliw-baliwan. pindot pa rin ako ng pindot, walang kakaibang nangyayari. tinatamad pa rin akong ipakita sa camera shop sa session. buti na lang dinala ko din ang diana toycam ko nung araw na yun :) pero yun din, tinatamad pa akong idala sa digiprint ang mga rolyo. haha, oh well papell. 

Thursday, February 3

recycled realizations

now that i'm uncertain about how i really felt for you, i can send you messages without waiting for you to talk to me first. i no longer care, and it's so liberating because i don't know how much longer i'd be able to put up with the things you say, kung gaano ka ka-materialistic and all. kidding, i made that up haha. and i don't wanna sound like mark zuckerberg ranting about his ex-girlfriend so... cup of coffee?

Wednesday, February 2

magigising din ako pagkalipas ng limang oras

 serrey. ang tagal tagal tagal tagal na kasi mula nung last picture ko.

anong plano mo sa valentines? ako,
  1. ide-date ko si mama at mga kapatid ko at itetext si papa
  2. o kung ayaw nila/may kanya-kanya silang ka-date/nahulugan ng malaking bato ang tapat ng pintuan ng apartment kaya walang pwedeng lumabas, ide-date ko na lang ang mga kaibigan kong SMV - Samahan ng mga malamig ang pft... or
  3. manonood ng eternal sunshine of the spotless mind; pwede namang
  4. magbabasa ng manga, o kaya
  5. mag-overdose ng sleeping pills, at matulog buong araw, sana magising ako kinabukasan
  6. monday naman yun, kaya pwedeng tumambay na lang sa library at magbasa ng little women or bridget jones
  7. i-date at bilhan ang sarili ko ng perfect gift
  8. magbilang ng mga makakasalubong na naka-pulang damit, couple shirts, bla bla bla
  9. magpicture ng mga nagdedate
  10. humingi ng chocolate sa mga kaibigan kong may secret admirers
  11. makibasa ng love letters
  12. manood ng wicker park
  13. wala na akong maisip gawin. haha
di naman talaga issue ang valentines. di nga issue ang birthday ko e. anong plano mo?

Tuesday, February 1

someday i wanna go to japan

but for now i'll read manga. i'm looking for a copy of 'a drifting life' by yoshihiro tatsumi, na part ng report ng group namin in our foreign language class. tatlong oras na akong naghahanap sa net ng mga sci-fi at gekiga manga. kung may copy ka peram para bestfriends na tayo. :) treat kita kape sa volante, haha :)

like flac

hi. hello. after class hinintay ko sa may kubo si aimee, at sa paghihintay nakita sina Sof at KC, sisses ko sa UP. sumaglit ako sa apartment nila KC sa cabinet hill and went home by 9. watched the social network and macgruber. bukas ko na papanoorin ang dinner for schmucks and superman/batman apocalypse. i don't know what to say to keep you interested, my days are as average as christmas or valentine's - labeled, pero so-so pa rin. my camera kazumi defunct, my nail polish still black, my microeconomics notes incomplete. the first thing on my to-do list for later is to get a new pair of spectacles. maybe buy a new book. and review for the exams on saturday and next week. feb 14 is two weeks away. on last year's feb 14 arvin and i broke up at a house gig. imagine that. music, friends, booze, the breakup, and a really bad hangover the day after. i'm saying nothing. i have to sleep.