anong plano mo sa valentines? ako,
- ide-date ko si mama at mga kapatid ko at itetext si papa
- o kung ayaw nila/may kanya-kanya silang ka-date/nahulugan ng malaking bato ang tapat ng pintuan ng apartment kaya walang pwedeng lumabas, ide-date ko na lang ang mga kaibigan kong SMV - Samahan ng mga malamig ang pft... or
- manonood ng eternal sunshine of the spotless mind; pwede namang
- magbabasa ng manga, o kaya
- mag-overdose ng sleeping pills, at matulog buong araw, sana magising ako kinabukasan
- monday naman yun, kaya pwedeng tumambay na lang sa library at magbasa ng little women or bridget jones
- i-date at bilhan ang sarili ko ng perfect gift
- magbilang ng mga makakasalubong na naka-pulang damit, couple shirts, bla bla bla
- magpicture ng mga nagdedate
- humingi ng chocolate sa mga kaibigan kong may secret admirers
- makibasa ng love letters
- manood ng wicker park
- wala na akong maisip gawin. haha
No comments:
Post a Comment