Para sa mga nakakakilala sakin at nagbabasa ng blog ko (THANK YOU!), nagawa ko na ang resume na lagi kong binabanggit sa mga posts ko dito. At sinubmit ko na din nung Tuesday night. Pagkasubmit ko ng resume kinabahan na ako ng sobra. HAHAHA. I couldn't sleep. I was surprised to receive a call the day after kasi wala nga akong kaalam-alam sa paghahanap ng trabaho and thought na mga ilang araw o linggo ang aabutin bago makarinig mula sakanila. Thursday yung interview. So after the call I met with Phoebe at Volante para mailabas ko ang nerbyos. Also, I half mindedly told my mom about it pero mukhang natutuwa naman siya na nag-eeffort na ako na mas magseryoso. :) Thursday she didn't come with me but it was fine because she kept on texting me while I was there. Sana tuloy-tuloy na.
My dad used to be a working student in college up till law school. Pati rin si mama. Kaya supportive sila sakin though andun pa rin ang Anak di mo naman kailangan magtrabaho o kaya You should know your priorities and Hindi biro ang magtrabaho. But I'm 20, and I still live with my parents. Next year pa ako gragraduate and I'm growing impatient. Kaya ngayon na may pagkakataon na akong magtrabaho, gusto ko maging maayos na ang lahat. Be happy, 'lam mo yun. And I am happy now, kasi alam kong may paghihirapan na ako. Bagong karanasan. :)
Gusto kong lumabas at pumunta Volante. Ni kahit 3-in-1 wala kami dito ngayon.
Went to 7-11, had ice cream.
De, di ako nagshe-share. :)))) |
No comments:
Post a Comment