Saturday, December 4

Isang munting reunion

Sabi ko sa sarili ko pagkagising ko kaninang umaga, magandang araw ang hinaharap ko. Ok, tama naman, kahit late na akong nagising at di na ako nakapag-almusal, naligo at nag-ayos at mabilisan akong naghakot ng mga notebooks at libro at agad-agaran umalis ng bahay. Parang blur na lang ang first period ko ng 8:30-10:30. Pagkatapos ng Accounting class ko sumama ako kay James sa PE class niya sa Puyat Sports Center sa Centermall. I know, kinda lame. But 'twas bearable because tahimik yung lugar at pwedeng tumambay. And I had to wait for him kasi sabay kaming nagla-lunch, so.

 

Skip skip hanggang 13:30 with Phoebe and Aimee
Mula nang magsimula ang sem na 'to ngayon lang kami nagkasamang tatlo para magkwentuhan. May mga issues kami nung patapos na ang first semester, pero THANK YOU UNIVERSE nabaon na sa limot at kapangitan ng sem na yun ang mga kalimot-limot at pangit na pangyayari. This entry is actually an excuse to post our camwhore-an moments HAHAHA
Sa parking lot ng UB
Kapansin-pansin na umiyak si Phoebe. DI NAMIN KASALANAN NI AIMEE, HINDI KAMI NAGPAPAIYAK NG BATA. Grabe lang na nakakamiss ang mga ganitong tagpo. Pasalamat at tapos na ang summer break. =)
<3 Oh di ba, ang jonda-jonda ng araw na 'to.
Kuha 'to ni Phoebe :) Pasensya bhe, inedit ko lahat. Crop-crop lang naman.
Phoebe's
Phoebe's. Guhit at mga sulat sa diary niya
James took these shots. ANG SAYA-SAYA LANG ^__^

BHE + BEBE : Mas mahal ko pa kayo sa eyebags ko.
Taken by Phoebe, PP by *ako*
Phoebe's
Phoebe's <3
16:30 with James
Palengke ng Baguio at Hilltop as seen from the UB Gym - Tambay sandali bago kami mag-library
Hindi halata pero si James (left) at ako (right, ayan forearm ko) yan sa super blurry reflection ng Guinness Book of Records di-ko-alam-kung-anong-taon
at nagka-brownout
Yes, reading area! = the quiet. Pakiramdam ko ang bilis ng araw na 'to. Bangag. Sabi nga ni James, parang stoned.
18:40 Pagkatapos ng last period
Sa tapat ng MALAKING kumpul ng Christmas lights na inayos ng mga taga-Munisipyo para magmukhang Christmas tree. Sa Lower Session to makikita, hinding-hindi kayo magkakamali kasi nag-iisa lang siyang higante. Taken on our way home - on MY way to MY apartment, hatid ni James. May namumuong tradisyon na bibigyan niya ako ng card araw-araw (nagismula nung unang araw ng Disyembre) hanggang sa 25th.

No comments:

Post a Comment